DOH: Tatlong close contact ng OFW na infected ng Indian variant, nagpositibo sa virus
Nagpositibo sa Covid-19 ang tatlong close contact ng OFW na nagpositibo sa Indian variant.
Nauna nang iniulat ng Department of Health (DOH) na dalawang lalaking OFW mula Oman at United Arab Emirates ang nahawaan ng B.1.617 o Indian variant.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 32 ang close contact ng 58-anyos na OFW mula UAE pero tatlo sa mga ito ang nagpositibo sa virus.
Ipinadala na sa Philippine Genome Center ang samples ng mga pasyente upang matukoy kung nahawaan din sila ng Indian variant.
Pero ang dalawang pasyente at patuloy pang hinahanap ng DOH dahil ang isa ay wala umano sa Covid-KAYA database.
Samantala, natukoy na ng DOH ang tatlo sa naging close contact ng isang OFW mula sa Oman na nagpositibo rin sa Indian variant.
Pero tatlo sa mga ito ay negatibo na sa virus habang ang tatlo ay patuloy na nilo-locate dahil ang kanilang mga pangalan sa passenger manifest ay hindi nag-match sa database ng mga otoridad.