DOH tiniyak ang mahigpit na monitoring sa oras na magkaroon na ng bakuna sa bansa
Tiniyak ng Department of Health ang mahigpit na monitoring sa oras na magsimula na pagbabakuna sa bansa para sa COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahigpit nanimomonitor ng DOH kung magkakaroon ng adverse effect sa mga nabakunahan.
Paliwanag ni Duque ang COVID-19 ay novel o isang bagong virus kaya lahat ay bago sa kanila.
Kaya naman gagawing mas palalakasin nila ang monitoring sa oras na masimulan ang pagbakuna para kung may nabakunahan at makitaan ng masamang epekto gaya ng severe allergy ay agad itong maaksyunan.
Tiniyak naman ng kalihim na dadaan sa masusing pag- aaral ang mga bakunang bibilhin ng gobyerno.
Madz Moratillo