DOH tiniyak na hindi sila namahagi ng expired COVID-19 vaccines
Itinanggi ng Department of Health na namahagi sila ng mga expired na COVID- 19 vaccines sa mga vaccination site.
Paliwanag ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, ang ilan sa mga bakuna ay extended ang shelf life.
Hindi lang nabago ang kanilang expiration date na nakalagay sa vials dahil hindi na ito naibalik sa manufacturers.
Tiniyak ni Vergeire na may certificate naman ang mga ito na nagpapatunay na hindi sila expired.
Bago rin aniya na-extend ang shelf life ng mga ito, nagkaroon ng stability study sa mga ito.
Sa September 24 hanggang 30, magsasagawa ng special COVID- 19 vaccination week ang DOH.ito ang kauna unahang special vaccination na gagawin sa ilalim ng Marcos administration.
Gagawin ito ng sabay sabay sa lahat ng rehiyon sa bansa kung saan mas tututukan daw ang mga rehiyon na may mababang vaccine coverage.
5 hanggang 21 milyon ang target mabakunahan sa loob ng 1 linggo na ito.
Madelyn Villar – Moratillo