DOH tiniyak na iniimbestigahan nila kung nasusunod ang mga infection control sa mga Health facilities kasunod ng pagtaas ng bilang ng namamatay na Health care workers
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na iniimbistigahan na rin nila ang pagtaas ng bilang ng mga Health workers na nagpopositibo sa Covid 19.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire kabilang sa kanilang inaalam ay kung nasusunod ba ang protocol para sa infection control sa mga health facilities.
Binigyang-diin ni Vergeire na ang DOH ay ginagawa ang kanilang makakaya para maprotktahan ang mga health frontliners.
Sa isyu naman ng mga personal protective equipment, nilinaw ni Vergeire na mayroon ng inilabas na guidelines ang DOH sa tamang paggamit nito.
Ang kakulangan naman sa Personal Protective Equipment ay tinutugunan na rin aniya at tuloy tuloy ang pamamahagi nila sa ibat ibang ospital sa bansa ng mga PPE.
Sa datos ng DOH, umabot na sa 1,062 health care workers ang nag-positibo sa Covid-19.
422 sa mga ito ay doktor, 386 ay nurse, 30 ay medical technologists, 21 ay radio technologists, 51 ay nursing assitants at may 152 na napapabilang sa ibang serbisyo bilang health frontliners tulad ng administrative workforce at Barangay Health workers.
Habang may 26 na Health care workers naman ang namatay dahil sa Covid-19.
Sa bilang na ito ay 19 ang doktor.
Ulat ni Madz Moratillo