DOH tiniyak na iniimbistigahan lahat ng kumalat na video ng palpak na pagbabakuna
Tiniyak ng Department of Health na iniimbistigahan na nila ang mga kumakalat na video ng iba pang insidente ng palpak na pagbabakuna na hindi naiturok o naitulak ang syringe.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na sila sa kanilang Centers for Health and Development para maimbistigahan ang mga insidente na ito.
Tiniyak naman ni Vergeire na agad nakipag-ugnayan ang CHD at mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong indibidwal.
Muli rin aniyang nagsagawa ng re orientation ang National COVID-19 Vaccine Operation Cluster hinggil sa COVID-19 vaccine administration protocols sa mga regional at local vaccination teams sa bansa.
Para naman maiwasan ang pagkakamali sa panig ng mga vaccinator, umapila ang DOH sa mga LGU na tiyaking 8 oras lamang ang duty ng bawat vaccinator.Sa pamamagitan ito, masisiguro ang kalidad ng serbisyo.
Panawagan naman ni Vergeire sa publiko, huwag naman batuhin ng sisi ang mga healthcare worker at unawain ang kanilang sitwasyon.
Madz Moratillo