DOH tiniyak na may sapat na supply ng RT PCR test kit sa bansa
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng covid cases sa bansa, tiniyak ng Department of Health ang sapat na suplay ng mga RT-PCR test kits.
Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, ang suplay ng RT-PCR o swab test kits ng pamahalaan ay sapat hanggang sa Disyembre.
Kasabay nito, kinumpirma ni Vergeire na kasama sa pinaglaanan sa ilalim ng proposed 2021 budget ang pambili ng karagdagang suplay ng swab test kits.
Bukod rito, may mga nagdo-donate din aniya ng RT PCT kits sa pamahalaan.
Sa ngayon aniya ang mga suplay ng swab test kits ay nasa mga warehouse habang ang iba ay nagagamit na ng mga laboratoryo o mga testing center ng pamahalaan .
Batid naman aniya ng gobyerno na kritikal at kailangan ang RT-PCR test kits sa COVID-19 response.
Ang RT-PCR test kits ang itinuturing na “gold standard” pagdating sa covid testing.
Madz Moratillo