DOH umapila sa publiko na mag-doble ingat kasunod ng pagpapatupad ng “Reduced Social Distancing” ng DOTR
Kasunod ng pagpapatupad ng “reduced social distancing” sa mga pampublikong transportasyon, hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magdoble ingat laban sa COVID-19.
Ayon sa DOH, dapat sundin pa rin ang mga ipinatutupad na minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay at physical distancing.
Dapat ding manatili muna sa bahay ang mga senior citizen lalo na ang mga immunocompromised o kung masama ang pakiramdam.
Ayon sa DOH, kaisa ang ahensya para sa recovery o muling pagsigla ng ekonomiya.
Una rito, nagpasya ang DOTr na bawasan ang 1 metrong sukat para physical distancing sa public transportation.
Madz Moratillo