DOH, umapila sa Senado na ipasa ang panukalang itaas ang buwis sa sigarilyo sa nalalabing 9 session days

DOH, umapila sa Senado na ipasa ang panukalang itaas ang buwis sa sigarilyo sa nalalabing 9 session days

Umaapila ang Department of Health (DOH) at Sin Tax coalition sa Senado na ipasa na ang panukalang itaas ang buwis sa sigarilyo.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, batay sa pag-aaral sa huling quarter ng 2018,  sa halip na bumama, lomobo pa sa 24 percent ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa.

Dahil sa gumagandang ekonomiya, abot kaya na aniya ng mga kabataan at mga mahihirap ang presyo ng sigarilyo dahilan kaya mataas rin ang bilang ng namamatay sa cancer.

Iginiit ni Domingo na mahalaga na maipasa ang panukala dahil ang pondong makokolekta para dito ay gagamitin para tustusan ang Universal Health Care program ng administrasyon.

Dalawang panukala ang nakapending ngayon sa Senado na humihiling na itaas ng 60 hanggang 90 pesos ang kada pakete ng sigarilyo pero nakapending pa ito sa Senate Committee on Ways and Means.

Apila ng grupo kay Senador Sonny Angara, ilabas na ang committee report para maisalang sa debate sa plenaryo at mapagtibay sa nalalabing siyam na araw na sesyon.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *