DOH,inanunsyo na wala pang Omicron XE at iba pang recombinant ang nakapasok sa bansa
Tiniyak ng Department of Health na wala pang nakakapasok na recombinant ng Omicron dito sa bansa.
Ang recombinant virus na ito ay ang Omicron XE, XD at XF.
Nakitaan ang mga ito ng genetic material na nakita rin sa Delta at Omicron.
Ayon sa World Health Organization o WHO, ang XE ay 10 porsyento na mas nakakahawa kaysa BA.2 sublineage ng Omicron.
Una itong natukoy sa United Kingdom at may natukoy naring kaso sa Thailand.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, batay sa pinakahuling sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center mula sa mga nakalap na sample sa iba’t ibang rehiyon sa bansa pawang mga variant ng Omicron at Delta parin ang nakita.
Ayon naman kay Dr. Nina Gloriani, head ng vaccine expert panel, kung may makakapasok na bagong variant sa bansa malaki talaga ang posibilidad ng pagtaas ng mga kaso.
Aa datos ng DOH, umabot na sa 3.68 milyon ang naitalang covid 19 cases sa pilipinas mula ng magsimula ang pandemya.
pero sa bilang na ito 88% nalang ang aktibong kaso.
Madz Moratillo