DOH,kinalampag ang mga LGU na palakasin ang kanilang vaccination drive
Kinalampag ng Department of Health ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang kanilang COVID -19 vaccination.
Kasunod ito ng ulat na may ilang bakuna ang expired na at malapit ng ma-expire.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, dapat magkaroon ng maayos na sistema ang mga LGU sa demand at supply ng bakuna sa kanilang lugar o rehiyon para matiyak na agad nagagamit ang mga bakuna.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga manufacturer ng bakuna para matukoy kung alin sa mga malapit ng mapaso ang pwedeng mapalawig ang shelf life.
Tiniyak ng opisyal na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para masigurong walang bakunang masasayang.
Ang mga vaccination site inilalapit na rin aniya sa tao para mas mahikayat silang magpabakuna kontra COVID-19.
Madz Moratillo