DOH,kinumpirma ang local case ng Delta variant sa bansa
Inanunsyo ng Department of Health na mayroon ng local case ng Delta variant ng COVID- 19 dito sa bansa.
Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center ay may 16 bagong delta variant na naitala sa bansa.
Sa nasabing bilang, 5 ang returning OFW’s.
Ang 1 ay mula United Kingdom at dumating sa bansa noong Abril 26.
Ang 2 ay mula sa Qatar at dumating noong Hunyo 15 .
Inihayag ni Vergeire na ang mga nabanggit ay nakarekober na sa virus.
Ang 2 ay bineberipika pa kung local case.
Ang 11 naman ay local cases.
Ang 6 ay mula sa region 10 at naitala ang kanilang onset of illness sa pagitan ng June 23-28.
Lahat sila nakarekober na.
Ang 2 ay mula naman sa NCR ang 1 ay nasawi matapos isugod sa ER ng isang ospital at ang isa ay isang out patient na nakarekober na.
Ang 1 pa ay natukoy na sa NCR nagpositibo pero nakita na may iba itong address.
Siya ay nakarekober na.
May 2 naman naitala mula sa region 6 na may onset of illness noong May 27 pero sya ay nakarekober na.
Madz Moratillo