Pilipinas nananatiling ligtas sa UK variant ng COVID-19 – DOH
Wala pang UK variant ng COVID-19 ang nakakapasok sa bansa.
Ito ang inihayag ng Department of Health matapos ang resulta ng ginawang pagssusuri ng Philippine Genome Center sa 305 positive samples na isinumite sa kanila.
Ang 305 samples na ito ay mula sa nakuhang sample sa mga na-admit na COVID-19 positive patient mula Nobyembre hanggang Disyembre nitong 2020 at mafinf inbound travellers na nagpositibo pagdating sa airport dito sa bansa.
Kasabay nito, tiniyak ng DOH ang kanilang pakikipag ugnayan sa International Health Regulations focal point ng Hong Kong para sa impormasyon kaugnay sa sinasabing Hong Kong resident na nagpositibo sa UK variant pagdating nito mula sa Pilipinas.
Nanawagan rin ang DOH sa lahat ng local government units and transport regulators na tiyaking mahigpit na naipapatypad ang health protocols sa lahat ng pagkakataon.
Ang pagsunod parin umano sa minimum public health standards ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Madz Moratillo