DOJ at EU Agency nagkasundong palakasin ang kampanya sa transnational crimes
Nagkasundo ang Department of Justice (DOJ) at ang European Union Agency for Criminal Justice Cooperation (Eurojust) para higit na paigtingin ang pagtutulungan sa imbestigasyon at prosekusyon sa transnational crimes.
Bumisita kamakailan sa Eurojust Headquarters sa The Hague si Justice Secretary Crispin Remulla para mapalakas ang kooperasyon ng Pilipinas sa European counterparts.
Sinabi ni Remulla na mahalaga ang pakikipagpulong nila sa Eurojust para mas dumami ang pagpapalitan ng impormasyon at best practices sa paghabol sa cross-border crimes.
Ayon sa DOJ, magtatataga ng dalawang panig ng cooperative working arrangements.
Inihayag naman ni Philippine Ambassador to The Netherlands J. Eduardo Malaya na sumama kay Remulla sa pagbisita na ang mabuting oportunidad ang pagpunta sa Eurojust ng DOJ officials para mapalawak pa ang kooperasyon lalona sa online sexual exploitation of children.
Moira Encina