DOJ at Inter-Agency Council Against Trafficking, tutulong sa case build-up laban sa mga sangkot sa human trafficking sa KOJC compound
Makikipagtulungan ang Department of Justice (DOJ) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Pambansang Pulisya at DSWD Region 11, para magkaloob ng komprehensibong suporta sa mga biktima ng sinasabing human trafficking na nasagip sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.
Courtesy: IACAT FB
Ayon sa DOJ at IACAT, aagapay din sila sa pagbuo ng kaso laban sa mga dawit.
Kung maberipika anila ang kaso ng human trafficking ay maghahain ng kaukulang reklamo laban sa mga mapatutunayang may kinalaman.
Kasabay nito, nanawagan ang DOJ at IACAT sa mga kasapi ng KOJC na makipagtulungan sa mga awtoridad sa patuloy na pagsisilbi ng warrant at pag-rescue sa iba pang mga posibleng biktima.
Hinimok din nila ang iba pang mga biktima o mga kamag-anak na magsumbong sa mga awtoridad, lalo na’t hindi ito ang unang pagkakataon na may mga ulat ng human trafficking sa KOJC.
Moira Encina-Cruz