DOJ at NBI ipauubaya muna sa PNP ang imbestigasyon sa sinasabing rape-slay sa flight attendant na si Christine Dacera
Hahayaan muna ng DOJ at NBI na gumulong ang imbestigasyon ng pulisya sa sinasabing rape-slay sa flight attendant na si Christine Dacera.
Sa inisyal na report ng pulisya, natagpuan na walang malay ang 23-anyos sa bathtub sa isang hotel room sa Makati City noong Bagong Taon.
Isinugod si Dacera sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipauubaya muna ng DOJ at NBI sa PNP ang paghawak sa imbestigasyon sa kaso.
Sa oras anya na ihain ng PNP ang reklamo sa piskalya ay maaaring mag-isyu ang DOJ ng travel alert order sa Bureau of Immigration laban sa mga suspek.
Sinasabing kasama ni Dacera ang 11 iba pang tao nang magdiwang ito ng Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.
Naaresto na ang tatlo sa mga lalaking suspek habang pinaghahanap pa rin ang walong iba pa.
Ayon sa Makati PNP, may indikasyon ng foul play dahil sa may mga pasa sa katawan ang biktima at sexual contact.
Moira Encina