DOJ at UP magtutulungan sa pagrebisa ng Criminal Code ng bansa
Magsasanib puwersa ang Department of Justice (DOJ) at ang University of the Philippines (UP) para sa gagawing pagrepaso sa Criminal Code ng bansa.
Ayon kay Justice Undersecretary at Criminal Code Committee Chairperson Raul Vasquez, layon ng hakbangin na mas mapalakas at masigurong moderno o naaakma sa panahon ang umiiral na criminal code.
Aniya, “Our goal is not only to incorporate special penal laws into the code we are also closely examining existing provision of code and updating them..we wish to create new penal code that not only reflect current values and condition but also respects rights inherent to us all as human beings.”
Sinabi ni Vasquez na pangunahin sa pagtutuunan ng pansin sa kanilang pagrepaso ay ang pagtanggal sa batas ng ilang krimen na napag-iwanan na ng panahon.
Ayon kay Vasquez, “Let me start with number one. Duelling, wala nang nagduduel dito. Pangalawa, yung theft of coconuts, di nyo alam sguro na magnakaw ka ng isa o dalawang buko lang sa isang coconut plantation yan ay qualified theft pag nahuli ka, walang piyansa yan or kapag magnakaw ka ng kalabaw. So these are things we need to update.”
Sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan ng mga opisyal ng DOJ at UP, magtutulungan ang dalawang institusyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng technical studies at legal research sa law reforms, capacity building at information sharing.
UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo Vistan II / Courtesy: UP Diliman wedsite
Aminado si UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo Vistan II ,na malaking hamon ang pagrebisa sa criminal code na tinangka na ring baguhin sa mga nakaraan pero ito na ang tamang panahon para gawin ito.
Sinabi ni Vistan, “I think this is a very worthwhile project itong pinupush ngayon ng Dept. of Justice, to hopefully and finally have code of crimes that the Filipino people could have access to that they will understand and that they will accept.”
Umaasa naman si UP College of Law Dean Darlene Marie Berberabe na ang mabubuong criminal code ay tatagal nang maraming taon at makatutulong sa mas epektibong administrasyon ng hustisya.
UP College of Law Dean Darlene Marie Berberabe / Courtesy: UP Law website
Ayon kay Berberabe, “Im confident this MOU paves the way to more opportunities and breakthroughs for both the DOJ and UP to the field of law and justice.”
Hinahangad ng DOJ at UP na ang mabubuong draft ng criminal code ay pumasa sa Senado at Kamara at malagdaan bilang batas ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., bago matapos ang termino nito.
Ayon kay Vasquez, “May reason kung bakit natin ginagawa ito this early because we wish to have the working draft by June, pagdating ng bagong kongreso para we have effectively three years to do that.”
Moira Encina-Cruz