DOJ binaligtad ang forfeiture order ng BI sa missionary visa ni Patricia Fox… kaso laban kay Fox dapat umanong Visa cancellation at hindi Visa forfeiture

Pinaboran ng DOJ ang petisyon ng Australian missionary na si Patricia Fox na mapawalang-bisa ang kautusan ng Bureau of Immigration na nag-forfeit sa kanyang missionary visa at nagpapaalis dito sa Pilipinas.

Sa resolusyon na ipinalabas ni Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi na maari pa ring manatili sa bansa si Fox at valid pa rin ang missionary visa nito.

Binaligtad ni Guevarra ang kautusan ng BI dahil sa kawalan ng ligal na batayan ng visa forfeiture.

Pero hindi pa rin tuluyang lusot si Fox.

Nilinaw ni Guevarra na hindi visa forfeiture kundi visa cancellation ang tamang proseso o batayan na nakasaad sa batas para matanggal ang visa na ipinagkaloob sa isang dayuhan.

Dahil dito, ipinabalik ni Guevarra sa BI ang kaso ni Fox para sa tamang disposisyon.

Iniutos din ng kalihim sa BI na dinggin ang parehong visa cancellation case at deportation case laban kay Fox.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *