DOJ bubuo ng team para tulungan ang anti-vote buying task force ng COMELEC
Tutulong ang DOJ sa imbestigasyon ng inter-agency task force ng COMELEC laban sa mga insidente ng vote buying.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bubuo siya ng composite team ng DOJ mula sa National Prosecution Service, NBI, Public Attorney’s Office, at DOJ Action Center para umagapay sa Task Force Kontra Bigay.
Sinabi ng kalihim na aatasan niya ang DOJ contigent na bigyan ng pinakamataas na prayoridad ang kampanya laban sa pagbili at pagbenta ng boto sa susunod na 40 araw.
Ito ay dahil mahalaga aniya ang darating na eleksyon para sa survival at recovery ng bansa.
Ang Task Force Kontra Bigay ng poll body ay bubuuin ng PNP, AFP, NBI at Philippine Information Agency.
Una nang hinimok ng Malacañang ang publiko laban sa vote buying at vote selling dahil ito ay paglabag sa Omnibus Election Code.
Moira Encina