DOJ bumuo na ng panel na hahawak sa kaso ng pagpaslang sa UST law student na si Horacio Castillo III
Lumikha na ang National Prosecution Service ng lupon na hahawak sa pagdinig ng mga reklamong kriminal laban sa mga sangkot sa pagpatay sa UST law student na si Horacio Castillo III na hinihinalang namatay sa hazing.
Sa kautusan ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr, itinalagang chairman ng three-man panel si Assistant State Prosecutor Susan Villanueva habang miyembro naman sina Associate Prosecution Attorneys II Wendell Bendoval at Honey Rose Delgado.
Reklamong paglabag sa Anti- Hazing law, murder, perjury, obstruction of justice at robbery ang isinampa ng mga magulang ni Atio laban sa pangunahing suspek na si John Paul Solano.
Ipinagharap din ng reklamong murder, paglabag sa anti hazing law at robbery ang 15 iba pang miyembro ng aegis juris kabilang si Ralph Trangia na nakaalis na ng bansa at ang tatay nito na si Antonio Trangia.
Ipinagharap din ng obstruction of justice ang nanay ni Trangia na si Ginang Rosemarie Trangia.
Ulat ni Moira Encina