DOJ bumuo na ng panel of prosecutors na hahawak sa kaso laban sa mga opisyal ng KAPA
Mayroon ng DOJ panel of prosecutors na hahawak sa kasong isinampa ng Securities and Exchange Commission laban sa mga opisyal ng Kapa Community Ministry International Incorporated na idinadawit sa investment scam.
Kinumpirma ni DOJ spokesman at undersecretary Markk Perete na may binuo ng panel para magsagawa ng prelimimary investigation sa mga reklamong inihain laban sa mga opisyal ng KAPA.
Pero tumanggi ang opisyal na tukuyin kung sinu-sino ang mga nasabing piskal dahil sa isyu ng seguridad.
Ayon kay Perete, inaantabayan pa ang ipapalabas na subpoena ng DOJ panel sa mga respondents at ang petsa ng unang araw ng preliminary investigation sa kaso.
Kinasuhan ng SEC ang mga KAPA officials ng mga reklamong paglabag sa Securities Regulation Code.
Ulat ni Moira Encina