DOJ ‘di na ikinagulat ang pagbasura ng Ombudsman sa reklamong bribery vs. De Lima
Binalewala ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura ng Office of the Ombudsman sa mga reklamong bribery laban kay dating Senador Leila De Lima.
Sa statement ng DOJ, nilinaw na may resolusyon na noon pang 2017 ang departamento na nagsasabing hindi nito ikinukonsidera ang testimonya ni Kerwin Espinosa ukol sa bribery charges.
Batay sa DOJ resolution na may petsang Pebrero 14, 2017, walang corroborating evidence na susuporta sa alegasyon ni Espinosa na nagbigay ito ng P8 milyon kay De Lima.
Sinabi ng kagawaran na malinaw sa DOJ panel of prosecutors na hindi kapani-paniwala ang alegasyon ni Espinosa.
Ayon sa kagawaran, consistent lang ang resolusyon kamakailan ng Ombudsman sa findings noon ng DOJ.
Katunayan anila ay mas nauna pa ang DOJ sa pagsasantabi sa bribery allegations.
Pero, ipinunto ng DOJ na hiwalay at walang kinalaman ang bribery case sa kasong iligal na droga laban kay De Lima na nililitis sa mga korte sa Muntinlupa City.
Moira Encina