DOJ handang tumulong sa OSG sa imbestigasyon sa sinasabing data breach sa mga legal documents nito
Nagpahayag si Justice Sec. Menardo Guevarra nang kahandaan ng DOJ na alalayan ang Office of the Solicitor General sa imbestigasyon sa napaulat na data breach sa mga legal documents ng tanggapan.
Ayon kay Guevarra, kung kinakailangan ay tutulong ang DOJ sa OSG sa pagsiyasat sa pag-leak online ng mga sensitibong dokumento nito.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang OSG sa insidente.
Sinabi ng London-based cyber security firm na TurgenSec, bukod sa mga court cases ay na-expose din sa data breach ang mga dokumento kaugnay sa operasyon ng OSG gaya ng internal passwords, audits, at staffing payment information ng tangggapan.
Hinimok din ng kumpanya ang OSG na isumite sa digital forensics specialists ang mga na-exposed na data para mabatid kung nakompriso ang integridad nito at kung gaano kalawak ang data breach.
Moira Encina