DOJ hihilingin sa DFA na kanselahin ang pasaporte ni retired PO3 Arturo Lascañas

lasca

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Hihilingin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ni retired Police Arturo Lascañas na nahaharap sa kasong pagpaslang sa isang radio broadcaster sa Davao City noong 2003.

Ayon kay Aguirre, magpapadala siya ng pormal na liham kay  Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano para iapela ang agarang kanselasyon ng pasaporte ni Lascañas.

Umalis pa aniya ng bansa papuntang Singapore si Lascañas noong Abril pero hindi nagpapakita ng interes na bumalik sa bansa.

Ipinapakita aniya ng dating pulis Davao ang kawalan nito ng kagustuhan na harapin ang mga kaso laban sa kanya kaugnay sa pagpaslang sa brodkaster na si Jun Pala.

Kung talagang inosente aniya si Lascañas ay dapat i-welcome nito ang pag-aresto sa kanya para malinis ang kanyang pangalan.

Una nang inamin sa Senado ni Lascañas na siya ay team leader ng Davao Death Squad at may sangkot sa pagpatay kay Pala kung saan nakatanggap sila ng reward money kay Pangulong Duterte na noo’y alkalde pa lamang ng Davao.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *