DOJ hihirit sa Senado at Kamara ng mas mataas na budget para sa Bureau of Corrections
Isasalang sa deliberasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang budget ng DOJ sa susunod na linggo.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na sa pagharap ng DOJ sa mga mambabatas ay idudulog nito na mapaglaanan ng mas mataas na pondo ang Bureau of Corrections (BuCor) na isa sa mga ahensya na nasa ilalim ng DOJ.
Kasunod na rin ito ng report ng Commission on Audit (COA) ukol sa budget ng BuCor na nakalaan para sa gamot ng bawat PDL na P70 at pagkain na P15 kada inmate.
Pinuna rin ng COA ang substandard na pagkain para sa mga preso.
Ayon pa sa kalihim, 65% ng halos 200 labi ng mga PDL na dinala dati sa Eastern Funeral Homes ay malnourished batay sa mga otopsiya sa mga ito at maaaring nasawi dahil sa malnutrisyon.
Umaasa si Remulla na maawa ang mga mambabatas at bigyan ng mas malaking budget ang BuCor para maging mabuti naman ang kalagayan sa loob ng mga PDL.
Moira Encina