DOJ hindi iuurong ang illegal drugs cases laban kay Sen. Leila de Lima
Walang balak ang DOJ na iatras ang mga kaso ng iligal na droga laban kay Senadora Leila de Lima na nakasampa sa korte sa Muntinlupa City.
Ito ay kasunod ng resolusyon na inihain nina opposition Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros na iurong ng DOJ ang drugs cases laban kay De Lima.
Nais ng minority senators na i-withdraw ang mga kaso dahil sa recantation ng ilang testigo sa kanilang testimonya kay De Lima.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ang kaso ay nasa hurisdiksyon na ng hukuman.
Ayon sa kalihim, ang Muntinlupa City Regional Trial Court na may hawak sa mga kaso laban sa senadora ang tanging may kapangyarihan at otoridad na umaksyon sa mga nasabing pending cases.
Paliwanag pa ni Remulla, hindi iniharap na testigo ng depensa si dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos.
Iginiit ng DOJ na ipauubaya nila sa sound discretion ng korte ang pagkilatis sa mga ebidensya.
Moira Encina