DOJ hiniling sa Korte Suprema na ilipat ang lugar ng paglilitis sa kaso ng Catanduanes mega shabu laboratory

Hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Korte Suprema na ilipat ang lugar ng paglilitis sa kaso ng nadiskubreng mega-shabu laboratory sa Virac, Catanduanes.

Sa apat na pahinang liham ni Aguirre kay Supreme Court acting Chief Justice Antonio Carpio, sinabi na ito ay bunsod ng impartiality o hindi pagiging patas ni Judge Lelu Contreras ng Virac RTC Branch 43.

Wala rin anilang ibang judge sa nasabing korte dahil si Contreras din ang may hawak sa Branch 42.

Tinukoy pa ni Aguirre ang mga political connection ng mga akusado sa kaso at may impluwensya ang mga ito sa komunidad kaya kailangang baguhin ang trial venue.

Nais ng kalihim na ilipat ng Supreme Court sa anumang mababang hukuman sa Quezon City o Makati City ang paglilitis sa kaso.

Sa ganitong paraan din anya ay hindi mangangailangan ng dagdag na seguridad mula sa mga pagbabanta ang mga piskal at testigo sa kaso.

Kasama sa kinasuhan sa korte kaugnay sa shabu lab si dating NBI regional director Augusto Eric Isidoro,at ang misis nitong si Angelica, mga anak ng dating Catanduanes governor at iba pang personalidad

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *