DOJ hiniling sa Senado ang pagsulong sa mga legislative agenda ng kagawaran
Inilatag ng Department of Justice (DOJ) sa Senado ang legislative agenda ng kagawaran.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights, tinukoy ni Justice Secretary Crispin Remulla ang limang pangunahing legislative measure ng DOJ na nais nito na maisabatas.
Kabilang sa prayoridad ng DOJ ang panukalang modernisasyon ng Bureau of Immigration (BI).
Nais din ni Remulla na palakasin at mapalawak sa buong bansa ang Witness Protection Program.
Gayundin, ang pag-amyenda sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ang pagpasa sa Criminal Investigation law.
Naniniwala si Remulla na urgent na mapagtibay na batas ang mga nasabing panukala para matiyak na manaig ang rule of law sa bansa.
Moira Encina