DOJ, hiningi ang tulong ng DOH sa contact tracing ng mga nakasalamuha ng limang kawani nito na nagpositibo sa Covid-19

Ipinaubaya ng Department of Justice (DOJ) sa Department of Health (DOH) ang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng limang empleyado nito na nagpositibo sa Covid-19.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, hiningi ng DOJ ang tulong ng DOH sa contact tracing.

Nakikipag-coordinate naman aniya nang mahigpit ang DOJ sa DOH para sa pagtunton sa mga posibleng na-expose sa mga Covid positive employees.

Sinabi pa ni Perete na simula pa man ng Enhanced Community Quarantine ang mga tauhan ng doj na nasa frontlines gaya ng mga guards, janitors at iba pa ay pansamantalang  nanuluyan sa kagawaran o kaya ay sinusundo ng DOJ shuttle.

Isa sa mga nagpositibo ay security guard, isa ay mula sa field office at tatlo ay mula sa Justice main office.

Sa pagkakaintindi ng opisyal ang lahat ng mga taong nakasalamuha ng mga kumpirmadong kaso ay hinahanap na para madetermina ang posibleng exposure.

Una nang inilagay sa lockdown ang buong DOJ compound at pansamantalang sinuspinde ang on-site na trabaho matapos mahawahan ng Covid ang limang kawani.

Justice USEC. Markk Perete:

“With this in mind, contact tracing is being conducted in close coordination with the DOH following established health protocols.We leave it to the DOH to determine the parameters of the contact tracing now being conducted. i understand, though, that all persons that have interaction with those who turn positive are being traced to determine possible exposure.” 

 Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us: