DOJ humingi ng kopya ng inisyal na imbestigasyon ng PACC sa mga alegasyon ng iregularidad sa Philhealth
Gagamitin ng Task Force Philhealth ang inisyal na imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission sa Philhealth anomalies sa pagbusisi nito sa mga alegasyon ng katiwalian sa ahensya.
Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra, hiningi na ng DOJ sa PACC ang kopya ng imbestigasyon nito sa Philhealth.
Ang PACC ay parte ng Task Force Philhealth.
Mula aniya nang buuin ang Task Force ay nakipag-unayan na siya sa mga pamunuan ng PACC at ng iba pang ahensya at tanggapan.
Napagkasunduan aniya nilang lahat na bagamat magtatrabaho sila independently ay magsasanib puwersa at mag-uugnayan sila para sa focused at targeted investigation.
Una nang inihayag ng PACC na batay sa kanilang paunang imbestigasyon mayroong systemic flaw sa Philhealth kaya paulit-ulit at hindi matigil ang korapsyon.
Nakatakda ring sampahan ng PACC ng reklamo ang ilang Philhealth officials dahil sa mga anomalya.
Ulat ni Moira Encina