DOJ, ibinasura ang apela ng may-ari ng funeral homes na akusado sa si Jee Ick Joo slay

Ibinasura ng DOJ ang apela ng may-ari ng funeral homes na isa sa mga akusado sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng South Korean na si Jee Ick Joo.

Sa kanyang petition for review, hiniling ni Gerardo Santiago na baligtarin ng DOJ ang desisyon nito sampahan siya ng kasong kidnapping for ransom with homicide sa Angeles City Regional Trial Court.

Pero sa resolusyon ng DOJ na pirmado ni Justice Undersecretary Raymund Mecate, ibinasura ang petisyon dahil sa teknikalidad matapos mabigong makatugon si Santiago sa mga hinihinging requirement sa apela.

Ayon sa DOJ, lumagpas na sa 15-day period na itinatakda sa 2000 National Prosecution Service Rules on Appeal nang inihain ni Santiago ang kanyang petisyon.

Nabigo rin si Santiago na isama sa kanyang petisyon ang mga kinukwestyon nitong DOJ resolutions.

Ilan pa sa depekto ng apela ng akusado ay ang lack proof of service ng kopya ng petisyon sa Prosecutor General at hindi pagsusumite ng kopya ng  complaint-affidavit, counter-affidavits at iba pang ebidensya  na isinumite ng mga partido sa preliminary investigation.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *