DOJ, ibinasura ang mga reklamo laban sa 30 sa 44 na dayuhang naaresto dahil sa pagdukot sa Singaporean na high-roller casino player

Ibinasura ng DOJ ang reklamong kidnapping for ransom at serious illegal detention laban sa 30 mula sa 44 na mga dayuhang naaresto dahil sa sinasabing pagdukot sa isang Singaporean na high-roller casino player.

Sa resolusyon na isinulat ni Assistant State Prosecutor Phillip dela Cruz , sinabi na walang sapat na ebidensya para kasuhan sa Korte ang tatlumpung banyaga.

Ayon sa resolusyon ng DOJ, hindi kinilala ni biktima na si Wu yan ang sinuman sa tatlumpung respondent na kasama sa grupong dumukot sa kanya.

Dahil dito, ipinagutos ng DOJ na palayain ang tatlumpung  mula sa Kampo Crame sa Quezon City .

Pero, ang labing apat na iba pang respondent na lumagda ng waiver sa kanilang karapatan sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code ay sasailalim naman sa preliminary investigation at magsusumite ng kontra-salaysay.

Ang mga respondents ay naaresto  ng Bureau of Immigration at PNP-Anti Kidnapping Group noong July 18.

Sila ay hinihinalang kabilang sa Chinese kidnapping group na sangkot sa pagdukot sa mga dayuhang casino player.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *