DOJ ibinasura ang reklamong rebelyon laban sa 59 na hinihinalang Maute recruits

Ibinasura ng National Prosecution Service ng DOJ ang reklamong rebelyon laban sa limamput-siyam na hinihinalang Maute recruits na naaresto noong Hulyo sa Ipil, Zamboanga Sibugay at sa Zamboanga City.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II batay sa findings ng panel of prosecutors na pinangunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong.

Ayon sa kalihim, hindi nakitaan ng mga piskal ng probable cause ang reklamong inihain ng Western Mindanao Command.

Kaugnay nito ipinagutos din ng piskalya na palayain na ang mga respondent na nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Pero sinabi ni Aguirre na pwedeng  maghain ng apela ang WESTMINCOM lalo na kung mayroon silang bagong ebidensya.

Sa kanilang kontra salaysay, ipinaliwanag ng 58 sa mga respondent na sila ay naloko lamang ng isa pang respondent na si Nur Supian na nagsabing sila ay nirecruit para maging kasapi ng Moro National Liberation Front at para maging sundalo.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *