DOJ, idinepensa ang pagpapaaresto ng Korte kay Maria Ressa

 

Nanindigan si Justice Secretary Menardo Guevarra na walang kinalaman ang press freedom sa pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

Ito ang reaksyon ni Guevarra sa mga bumabatikos na pag-atake at panggigipit sa mga mamamahayag ang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Ressa.

Sinabi ni Guevarra na sinumang lumabag sa batas ay dapat panagutin at usigin.

Pinayuhan pa ng kalihim si Ressa na sa halip na sisihin ang gobyerno ay dapat harapin at tutukan ang kasong cyberlibel dito.

Ang DOJ ang nagsampa sa Manila RTC ng cyberlibel case laban kay Ressa at sa kolumnista ng Rappler na si Reynaldo Santos matapos makitaan ng sapat na batayan ang reklamong inihain ng businessman na si Wilfredo Keng at NBI.

Pinaboran ng DOJ si Keng at ang NBI dahil bagamat hindi sakop ng RA 10175 o Cybercrime law ang kinukwestyong artikulo ng Rappler nang ito ay orihinal na mailathala noong 2012 ay ni-repost at nirebisa naman ito noong 2014 kung saan maari nang panagutin sina Ressa ng cyberlibel.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *