DOJ, idinipensa ang paglalagay ni Pangulong Duterte sa Bureau of Customs sa pangangasiwa ni retired AFP Chief of Staff General Rey Guerrero

Walang nalabag na batas si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghirang kay retired AFP Chief Of Staff General Leonardo Guerrero para pamunuan ang Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi nalabag ang civilian supremacy rule sa pagtatalaga sa isang retiradong opisyal ng militar bilang Customs Commissioner dahil sibilyan na si Guerrero.

Paliwanag pa ni Guevarra, ang BOC ay nasa ilalim ng Department of Finance na nasa direkta namang pangangasiwa ng Pangulo.

Sa ilalim anya ng Saligang Batas, may kapangyarihan ang Presidente na pangasiwaan ang buong executive department at may mandato na matiyak na maipapatupad ang lahat ng batas.

Depensa pa ng kalihim, pansamantala lamang ang hakbang ng Pangulo na ilagay sa kontrol at pagsubaybay ng militar ang BOC upang matiyak na mahinto na agad ang pagpasok sa bansa ng iligal na droga na banta sa seguridad ng publiko.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *