DOJ igagalang ang Ombudsman kung magpasya itong hawakan ang imbestigasyon kay VP Sara

Handa ang Department of Justice (DOJ) na ipaubaya sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon kay Vice- Presidente Sara kaugnay sa mga binitiwan nitong pagbabanta laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres Jr. kasunod ng pahayag ni Ombudsman Samuel Martires na maaari nilang i-take over ang imbestigasyon sa bise kapag nabatid nilang may hurisdiksyon ang tanggapan.

Sinabi ni Andres na igagalang nila ang awtoridad ng Ombudsman sa isyu.

Ayon pa kay Andres, nakausap na niya si Martires at nilinaw na walang problema sa pagitan nilang dalawa.

Pero iginiit ni Andres na ang DOJ ay patuloy na mananaig para sa katarungan, pambansang seguridad, at rule of law.

Una nang sinabi ng opisyal na may binuo ng task force ang NBI para matukoy ang tao na sinasabing kinausap ni VP Sara na patayin ang Pangulo, ang first lady at ang House Speaker.

Itinanggi naman na ng bise presidente na may active threat sa buhay ng presidente at iginiit na taken out of context ang kaniyang sinabi.

Moira Encina – Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *