DOJ, iginiit na malakas ang ebidensya laban kay Senador De Lima at Dayan kasunod ng pagbasura ng Korte sa Petition for Bail at Demurrer to Evidence ng Senadora
Tiwala ang Department of Justice (DOJ) sa pagiging patas ng Muntinlupa City Regional Trial Court na lumilitis sa tatlong illegal drug case laban kay Senador Leila De Lima.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra kaugnay sa inilabas na omnibus orders ng Muntinlupa RTC sa mga drug cases ng Senadora.
Ayon kay Guevarra, ang mga kautusan na inisyu ni Judge Liezel Aquiatan ng Branch 205 ay nagpapakita na maingat na pinag-aralan nito ang mga ebidensya na iprinisinta ng prosekusyon bago desisyunan kung sapat ba ang mga ito o hindi.
Anya sa isang kaso na kinasasangkutan ni De Lima at ng body guard nito na si Ronnie Dayan, hindi lang nakita ng hukom na sapat ang ebidensya laban sa mga ito kundi malakas kaya ibinasura ng korte ang mga petition for bail at demurrer to evidence na inihain ng mga akusado.
Nakulangan naman anya ang judge sa mga ebidensya ng prosekusyon sa isa namang kaso ni De Lima na kinasasangkutan ni Jose Adrian Dera kaya ibinasura ang kaso laban dito.
Sinabi ni Guevarra na ang pinal na resulta ng dalawang aksyon at pasya ng hukom ay mapanatiling nakakulong sina De Lima at Dayan hanggang sa matapos ang paglilitis sa unang kaso.
Si De Lima ay nahaharap din sa pangatlong drug case sa Branch 256 ng Muntinlupa RTC.
Statement SOJ Menardo Guevarra:
“The DOJ has always believed in the objectivity and impartiality of the trial court. The omnibus orders issued yesterday would show that the judge had carefully evaluated and weighed all the evidence presented by the prosecution before determining its sufficiency or insufficiency.
In the one case, the judge found that the prosecution’s evidence was not merely sufficient but also strong enough to defeat both accused’s plea for bail.
In the other case, the same judge found the prosecution’s evidence wanting and consequently dismissed the case as against Sen. De Lima. The net effect of this twin action is to keep Sen De Lima and her co-accused Dayan in detention until the trial of the first case is completed”.
Moira Encina