DOJ iiendorso sa task force on EJK ang imbestigasyon sa pagkamatay ng ilang aktibista sa CALABARZON
Iiendorso ng DOJ sa inter-agency committee on extra-judicial killings ang imbestigasyon sa raid ng pulisya sa CALABARZON na nagresulta sa pagkamatay ng ilang aktibista.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, may sapat na ebidensya na ang mga biktima ay mga miyembro ng cause-oriented groups na may lehitimong pinaglalaban kaya sakop ito ng AO 35 committee o task force EJK
Ang komite ay nilikha sa ilalim Administrative Order 35 na layong imbestigahan ang mga kasong may kaugnayan sa pagkawala, torture, at iba pang paglabag sa karapatan sa buhay,seguridad at kalayaan ng isang tao dahil sa kanilang adbokasiya gaya ng mga labor at peasant leaders.
Una nang sinabi ni Guevarra na siya ring pinuno ng AO 35 task force na magku-convene sila sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Marso.
Makikipag-pulong din anya ang DOJ sa mga law enforcement agencies para talakayin ang mga paraan upang maiwasan ang anumang unnecessary force sa mga lehitimong operasyon.
Moira Encina