DOJ iimbestigahan ang alegasyong isang kawani ng kagawaran ang tumulong sa negosyanteng si Kenneth Dong para magtago
Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na iimbestigahan nito ang alegasyon na isang kawani ng kagawaran ang tumulong sa negosyante at itinuturong middle man sa 6.4 billion pesos na shabu shipment na si Kenneth Dong sa Muntinlupa City para magtago.
Si Dong ay naaresto ng NBI noong Lunes sa tinutuluyan nito sa Katarungan Village, Muntinlupa City.
Ang Katarungan Village ay isang housing project noon ng gobyerno para sa mga kawani ng DOJ.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sisilipin nila ang anomang posibilidad at gagawin ang nararapat na hakbang ukol dito.
Sinabi naman ni DOJ spokesperson at undersecretary Markk Perete na makikipag-ugnayan sila sa NBI para sa mga susunod na aksyon.
Ulat ni Moira Encina