DOJ iimbestigahan ang isyu ng ‘GCTA for sale’ ; mga BuCor officials na isinasangkot, ipapasuspinde ni Guevarra sa magiging OIC ng BuCor
Magkakaroon ng sariling imbestigasyon ang DOJ sa nabunyag na “GCTA for sale.”
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bago pa nila matapos ang pagrebyu at pagrepaso sa guidelines sa paggawad ng good conduct time allowances ay nais niyang magsagawa ng inquiry ukol sa nagaganap sa loob ng BuCor kaugnay sa GCTA.
Kabilang na dito ang isiniwalat ng isang testigo ng Senado na nagbayad siya ng 50 thousand pesos sa ilang opisyal ng BuCor kapalit ng maagang paglaya ng asawa sa ilalim ng GCTA.
Ayon kay Guevarra, bagamat wala pa siyang hawak na facts, malaki ang posibilidad na nangyayari ang bentahan ng GCTA.
Kaugnay nito, sa oras na makapagtalaga si Guevarra ng OIC ng Bucor ay ipapasuspinde nito ang mga opisyal ng ahensya na sangkot sa isyu ng freedom for sale.
Ulat ni Moira Encina
//