DOJ ikinatuwa ang kautusan ng Manila court na panatilihin ang pangalan ni Joma Sison sa terrorist list

Ikinatuwa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kautusan ng Manila Regional Trial Court na panatilihin sa terrorist list ang pangalan ni CPP-NPA Founder Jose Maria Sison.

Ayon kay Guevarra, isa itong positive development dahil magkakaroon na ng physical representation ang respondent na CPP-NPA sa petisyon na inihain ng DOJ sa korte.

Bukod kay Sison, kasama sa iniutos ng korte na panatilihin sa listahan at ipatawag ay si Antonio Cabanatan.

Binalewala ni Guevarra ang pagkakatanggal sa pangalan ng iba sa listahan dahil ito ay hindi naman mahalaga at para lang sa paghahain ng summon sa mga ito.

Paliwanag pa ng kalihim, isa lang din procedural requirement ang pasya ng korte na ipalathala ang petisyon dahil sa walang permanent address ang mga respondents.

Una nang naghain ng petisyon ang DOJ sa Manila RTC para ipadeklarang terorista ang CPP-NPA.

Umabot sa 600 pangalan ang isinumite ng DOJ sa terrorist list pero sa amended petition na inihain nito ay ibinaba na lamang ito walo kabilang sina Sison at Cabanatan.

Ang iba pang lider ng grupo na isinama sa listahan ay sina Jorge Madlos, Jaime Padilla, Francisco Fernandez, Cleofe Lagapon, Leonido Nabong at Myrna Sulate.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *