DOJ: Ilang kaso vs mga kasamahan ni Christine Dacera, ibinasura ng Makati Prosecutors’ Office
Ibinasura ng piskalya sa Makati City ang ilang kaso kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon sa DOJ, dismissed sa piskalya ang reklamo ng NBI na administering of illegal drugs laban sa isa sa kasamahan ni Dacera na si Mark Anthony Rosales dahil sa kawalan ng ebidensya.
Gayundin, ang reklamong attempt to deliver illegal drugs laban kina Rosales at Rommel Galido dahil walang iprinisinta ang NBI sa prosekusyon na iligal na droga bilang ebidensya.
Absuwelto rin sa obstruction of justice ang walo na kasamahan ni Dacera at sa abogado ng mga ito.
Maging ang falsification complaint laban kay PNP medico-legal officer Dr Michael Nick Sarmiento at perjury sa mga kaibigan ni Dacera ay ibinasura.
Ipinawalang-sala rin ng piskalya sa reckless imprudence resulting in homicide sina John Pascual Dela Serna, Jezreel Rapinan, Alain Chen, at Louis De Lima dahil sa kawalan din ng ebidensya.
Ilan pa sa mga ibinasura ay ang iba’t ibang reklamo na inihain naman ng mga kaibigan ni Dacera laban sa nanay nito at ilang pulis.
Ang mga ito ay ang illegal detention and unlawful arrest, perjury, libel, cyber libel, falsification, incriminating innocent persons, at malicious prosecution.
Moira Encina