DOJ iminungkahi ang pag-deploy ng AFP divers sa lumubog na MT Princess upang makalkula ang dami ng tumatagas na langis
Kritikal umano sa hakbangin sa pagtugon sa oil spill na malaman ang bilang ng tumatagas na langis mula sa MT Princess Empress.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla. kinausap na ng DOJ ang Office of the Civil Defense (OCD) para sa posibilidad ng pag-deploy ng divers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas para sisirin ang lumubog na motor tanker.
Aniya, ito ay para ma-compute ang rate ng spillage sa MT Princess Empress.
Sinabi ng kalihim na may consultant sila na kinuha na magtuturo kung papaano ang kalkulasyon sa lumalabas na langis.
Ito ay para mabatid din aniya kung gaano pa karami ang naiiwang langis o kung mayroon pa bang langis sa motor tanker.
Ang nasabing isyu aniya ay napagusapan sa pagpupulong noong Huwebes ng inter-agency task force.
Moira Encina