DOJ inatasan ang BuCor na magsumite ng report kaugnay sa ulat na pagkamatay ng high-profile inmate na si Raymond Dominguez
Agad na pinagsusumite ng report ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Corrections kaugnay sa sinasabing pagkamatay ng convicted carnapper na si Raymond Dominguez.
Batay sa inisyal na ulat mula sa BuCor, natagpuang patay sa loob ng kanyang selda sa New Bilibid Prisons nitong Biyernes ng umaga si Dominguez.
Sinabi ni Guevarra na inatasan na niya ang BuCor na magsumite ng report sa lalong madaling panahon.
Ayon sa kalihim, mabuting hintayin na lamang ang manggaling na report mula sa BuCor.
Una nang nagpositibo sa COVID-19 si Dominguez noong Hulyo ng nakaraang taon.
Itinanggi naman noon ng BuCor ang mga lumabas na ulat na nasawi ang high-profile inmate dahil sa virus.
Nahatulang guilty sa carnapping si Dominguez noong 2012 at sinentensyahan na makulong mula 17 hanggang 30 taon.
Moira Encina