DOJ inatasan ang NBI na imbestigahan ang di otorisadong pagpasok sa bansa at pagbabakuna ng anti-COVID vaccines
Iniimbestigahan na rin ng NBI ang iligal na distribusyon at paggamit ng hindi rehistradong bakuna laban sa COVID-19.
Ito ay matapos mabakunahan ang ilang miyembro ng Presidential Security Group kahit walang approval mula sa FDA.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan niya si NBI OIC Eric Distor na agad siyasatin ang napaulat na hindi otorisadong pagpasok at pagbabakuna ng unregistered anti- COVID vaccines.
Aalamin ng NBI ang posibleng paglabag sa FDA law, Consumer Act, at Medical Practice Act.
Nilinaw ni Guevarra na ang imbestigasyon ay hindi lamang tutuon sa insidente sa PSG kundi sa pangkalahatan.
Una nang tinukoy ni Pangulong Duterte na ang bakuna na ginamit sa kanyang security personnel ay mula sa Chinese state-owned na Sinopharm.
Moira Encina