DOJ inatasan ang NBI na imbestigahan ang mga napaulat na iligal na aktibidad ng dayuhang diplomats
Ipinag-utos ni Justice Secretary Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga napaulat na mga iligal na aktibidad ng mga dayuhang diplomat sa bansa.
Kasunod ito ng sinasabing recording ng pag-uusap sa telepono ng isang Chinese Embassy official at ng pinuno ng AFP Western Command ukol sa kasunduan sa Ayungin Shoal na paglabag sa Anti-Wiretapping Law.
Ayon kay Remulla, kung kinakailangan ay papatawan ng karampatang aksyon ang mga diplomat na lumabag.
Iginiit ni Remulla na hindi absolute ang diplomatic immunity ng foreign envoys at hindi dapat samantalahin at gamitin sa mga makasariling motibo.
Obligasyon din aniya ng mga diplomat na igalang ang mga regulasyon at mga batas ng mga bansa.
Moira Encina