DOJ inatasan ang NBI na imbestigahan ang sinasabing iligal na bentahan ng bakuna kontra COVID-19 at vaccine slots
Pinaiimbestigahan na ng DOJ sa NBI ang sinasabing iligal na bentahan ng bakuna kontra COVID-19 o kaya ay ng vaccination slots sa ilang lugar sa bansa.
Sa department order na pirmado ni Justice Sec. Menardo Guevarra, iniutos din nito sa NBI ang pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa mga taong sangkot at responsable sa iligal na gawain kung may makalap na ebidensya.
Una nang sinabi ng kalihim na nagbigay na siya ng verbal order sa NBI noong nakaraang Biyernes para siyasatin ng Cybercrime Division at ng iba pang concerned units nito ang sinasabing pagbebenta ng COVID vaccines o vaccination slots sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ito ay bunsod na rin ng kahilingan ni MMDA Chairman Benhur Abalos.
Batay sa ulat, ibinibenta ng mga tiwaling indibidwal sa halagang Php10,000 hanggang Php15,000 ang bakuna depende sa brand.
Moira Encina