DOJ inatasan ang NBI na imbestigahan ang smuggling ng palm oil at iba pang agri products
Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang NBI sa mga napaulat na laganap na smuggling ng mga produktong agrikultura.
Kasama sa ipinagutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ay ang pagpuslit sa bansa ng palm oil na idinideklara bilang animal feeds.
Ayon sa kalihim, nabatid na ikino-convert ang palm oil at ginagamit bilang vegetable oil.
Inatasan din ni Guevarra ang mga state prosecutors na suriin ang mga dockets nito at madaliin ang mga pagdinig sa mga reklamo kaugnay sa agricultural smuggling.
Kung kinakailangan aniya ay isampa ang mga kaukulang kaso sa korte.
Sinabi pa ng kalihim na nagtutulungan din ang DOJ at Anti Red Tape Authority sa case build up laban sa mga indibiduwal mula sa pribadong sektor at gobyerno na hinihinalang sangkot sa agricultural smuggling activities.
Moira Encina