DOJ inatasan ang piskalya sa Antipolo City na makipagtulungan sa mga otoridad para sa case build-up sa pagkamatay ng Grade 5 student na sinasabing sinampal ng guro
Ipinagutos ng Committee on the Special Protection of Children ng DOJ sa Office of the City Prosecutor ng Antipolo City na makipag-ugnayan sa mga otoridad para sa imbestigasyon at case-build up kaugnay sa pagkamatay ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib na umano’y sinampal ng guro.
Ayon sa DOJ, aalamin ang mga paglabag na maaaring nagawa na nagresulta sa pag-abuso at pagpanaw ni Gumikib.
Batay sa imbestigasyon, nakaranas ng matinding sakit ng ulo, pagkahilo, earache at pagsusuka si Gumikib.
Nakita ng mga doktor na may internal bleeding sa utak ng bata na nagresulta para ito ay ma-comatose bago ito pumanaw.
Kinukondena ng kagawaran ang anumang karahasan at abuso laban sa mga bata.
“Children, especially learners, deserve a safe and nurturing environment where they can grow, learn, and thrive without fear of abuse.”pahayag ng DOJ
Iginiit pa ng DOJ na ang anumang uri ng child abuse ay paglabag sa karapatan ng bata at hindi dapat na pamarisan.
Kaugnay nito, pinaalala naman ng DOJ sa mga guro na sa ilalim ng Department of Education Child Protection Policy ay may zero tolerance sa anumang uri ng pag-abuso.
“The DOJ would like to remind teachers/educators that they hold a position of trust and responsibility in a child’s life. Thus, any abuse of this trust is a betrayal of the highest order. Likewise, under the Department of Education Child Protection Policy, there is zero tolerance for any form of abuse and violence. Corporal punishment is prohibited, and the practice thereof may subject the erring teacher/educator to administrative and criminal proceedings.” dagdag pa na pahayag ng DOJ
Sinabi pa ng DOJ na ipinagbabawal ang corporal punishment at ang mga guro na magkakasala ay maaaring maharap sa mga administratibo at kriminal na pananagutan.
Moira Encina