DOJ inihain na sa Court of Tax Appeals ang kasong tax evasion laban sa Rappler Holdings Corporation at Maria Ressa
Isinampa na ng DOJ sa Court of Tax Appeals ang kasong Tax evasion laban sa Rappler Holdings Corporation at sa presidente nito na si Maria Ressa.
Kasama sa kinasuhan ng DOJ ang independent Certified Public Accountant ng RHC na si Noel Baladiang .
Ang kaso ay nag-ugat sa kabiguan ng Rappler na ideklara sa 2015 tax returns ang kinita nito mula sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts sa NBM Rappler at sa Omidyar Network.
Ayon sa DOJ, dapat nakaltasan ng buwis ang kinita ng RHC mula sa transaksyon.
Blang presidente ng RHC, dapat managot din anila si Ressa alinsunod na rin sa Section 254 ng Tax Code.
Hindi binigyan ng bigat ng DOJ ang depensa ni Ressa na hindi nila intensyon na hindi ideklara ang kinita korporasyon mula sa pag-iisyu ng PDRs.
Ulat ni Moira Encina