DOJ iniimbestigahan ang ulat na may nakatakas na isang surrenderer mula sa Bilibid
Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang insidente ukol sa nakatakas na surrenderer o returnee mula sa New Bilibid Prisons (NBP).
Sinabi ni Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete na batay sa inisyal na report, ang maagang paglaya ng nasabing surrenderer na tumakas ay walang kinalaman sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Gayunman, pinag-aaralan na aniya ng DOJ kung ano ang posibleng pananagutan ng mga nagbabantay sa Bilibid dahil sa pagkakatakas ng PDL.
Una nang bumuo ng panel ang Oversight Committee on Corrections na magbeberipika sa bawat isang pagpapalaya sa mga presong hindi sakop ng maling aplikasyon ng GCTA law.
Ulat ni Moira Encina